^

Metro

Kustomer nagsolo sa bar, hinoldap

-

Arestado ang dalawang holdaper na pumasok sa isang KTV bar at tumangay ng cellphone at salapi ng nag-iisang customer nito sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling‑araw.

Kinilala ni Manila Police District-Station 1 Chief P/Supt. Rolando Miranda ang mga suspek na sina Erick Laba­yog, 23, may asawa, walang tra­ba­ho, residente ng Chesa St., Tondo, at Alexander Pa­redes, 17, binata, walang tra­baho, ng Upper Bicutan, Taguig  City.

Inireklamo ng biktimang si Mario Camigao, may asawa, ng Tondo na dakong alas-3 ng madaling-araw nang tabihan siya ng mga suspek sa kanyang lamesa sa Sa­nudar KTV Bar, sa Road 10 at Chesa St., Tondo. Pasim­pleng tinutukan siya ng pa­talim sabay hingi sa kan­yang Nokia cellphone 2626 na nagkakahalaga ng P6,000.

Mabilis na umalis ang dalawang suspek nang hindi man lamang umano naka­hingi ng saklolo ang biktima dahil nag-iisa lamang siya sa loob ng bar.

Nang idulog sa MPD-Station 1, agad isinagawa ang follow-up operation at nadakip sa hindi kalayuan ang dalawa na umano’y nang­galing sa kanilang pinagbentahan sa cellphone. (Ludy Bermudo)

ALEXANDER PA

CHESA ST.

CHIEF P

ERICK LABA

LUDY BERMUDO

MANILA POLICE DISTRICT-STATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with