^

Metro

4 na pulis sinibak

-

Dinisarmahan at tinanggal na sa kanilang mga puwesto ang apat na pulis na isina­sangkot sa pambubugbog at pagkamatay ng isang bading sa Pasay City.

Kinilala kahapon ni Pasay City Police Chief Supt. Marieto Valerio ang mga tinanggal niya na sina SPO1 Claro Ven­tura, SPO1 Merle Guevarra, SPO3 Joselito Lopez at PO2 Richmond Tobio na pawang mga tauhan ng Pasay City Police Special Operation Unit.

Ang apat na pulis ang itinu­turong nambugbog sa bikti­mang si Raul Ortega, 23, helper, ng 204 Santos Village, Las Piñas City, na naging da­hilan ng pagkamatay nito.

Kinumpirma ni Valerio na, lumalabas sa imbestigasyon, na sinuntok ni Lopez sa dibdib si Ortega na naging dahilan ng pagkamatay nito habang pinapanood sila nina Gue­varra, Ventura at Tobio.

Nabatid na inatake sa puso at namatay si Ortega matapos bugbugin. Kabilang si Ortega sa anim na baklang naunang inaresto ng pulisya dahil sa pagsasa­gawa ng ma­halay na aktibi­dad sa ma­dilim na bahagi ng Roxas Blvd. sa Pasay City kamakailan. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CITY

CLARO VEN

JOSELITO LOPEZ

LAS PI

MARIETO VALERIO

MERLE GUEVARRA

ORTEGA

PLACENAME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with