^

Metro

Bilang ng preso sa MM bumaba

-

Pinapurihan ni Chief Justice Reynato S. Puno si Bureau of Jail Management and Penology chief, Director Rosendo M. Dial dahil sa patuloy na kampanya na mapababa ang bilang ng mga bilanggo sa mga kulungan sa Metro Manila sa pamama­gitan ng mobile court rooms o ang “Justice on Wheels” project.

Ayon kay Dial, dahil sa natu­rang hakbang, bumaba ang bilang ng mga bilanggo sa Metro Manila na mistulang mga sardinas na.

Sa ngayon, ang National Capital Region ang may pinaka­mataas na bilang ng bilanggo sa buong bansa na umaabot sa 20,892 inmates.

Ang NCR jails ay 259% congested o mas malaki ang bilang mula sa ideal capa­city nito na 5,820 inmates sa bawat kulungan depende pa sa laki ng lugar ng kulungan. Ang limang mala-sardinas na kulu­ngan ay ang Caloocan City Jail na may ideal capacity na 136 in­mates pero ang bilang ng bilanggo dito ay umaabot sa 1,637.

Sumunod ang Taguig City Jail na may ideal capacity na 59 inmates pero may actual jail population na 704; Quezon City Jail na may 415 ideal jail popu­lation pero ito ay may 3,080 inmates; Muntinlupa City Jail na may ideal population na 77 pero may actual population na 553 at Navotas City Jail na may ideal capacity na 63 pero ang actual population ay 452 inmates.

Sa record, may 70% ng kaso sa Metro jails ay pawang non-index crimes o minor offenses.  Sa 20,892 NCR jail po­pula­tion, 14,474 inmates ay may kasong minor offenses na pa­tuloy na nasa mga kulungan at naisilbi na ang parusa sa kulu­ngan pero hindi pa agad napro­seso ang paglaya.

Bunsod nito, inatasan ni Dial ang lahat ng Regional Directors nation­wide na maki­ pag-ugna­yan sa municipal at regional trial courts para sa mabilis na pag­dinig sa kanilang kaso at pagpa­palaya sa mga bilanggo na may minor of­fenses. (Angie dela Cruz)

BUREAU OF JAIL MANAGEMENT AND PENOLOGY

CALOOCAN CITY JAIL

CHIEF JUSTICE REYNATO S

DIRECTOR ROSENDO M

JAIL

METRO MANILA

MUNTINLUPA CITY JAIL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with