^

Metro

Nagmotorsiklo ng lasing, todas sa ten- wheeler

-

Patay ang isang lasing na lalaki na sakay ng isang motorsiklo na walang damit pang-itaas at wala ring helmet ma­ka­raang bumangga at masagasaan ng isang 10-wheeler truck, kahapon ng madaling-araw sa Quezon City. Nakilala ang biktima na si Richard Maniego,  ng Brgy. San Bartolome, Novaliches, ng naturang lungsod.

Hawak naman ngayon ng Quezon City-District Traffic Enforcement Unit ang nakabanggang driver ng Isuzu dump truck na si Alexander Villamor. Ayon sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-2 ng madaling-araw sa isang secon­dary road sa naturang barangay.

Ayon sa mga kaanak ng biktima, kata­tapos pa lamang makipag-inuman ng bik­tima at nagpaalam na kakain lang ng lugaw at manonood ng mga nagda-drag racing sa kanilang lugar. Hindi naman ito pinaya­gan ng kanyang asawa dahil sa lasing na ngunit nagpumilit ito at itinakas ang kanyang motorsiklo (UI4628) kahit na wala itong suot na kamiseta at helmet.

Ayon sa driver na si Villamor, ang bik­tima umano ang bumangga sa kanyang likuran hanggang sa makaladkad ito ng trak.  Iginiit nito na mabagal ang kanyang takbo dahil sa makitid ang kalsada nang biglang sumulpot ang motorsiklo na napaka­bilis ang takbo. (Danilo Garcia)

vuukle comment

ALEXANDER VILLAMOR

AYON

BRGY

DANILO GARCIA

QUEZON CITY

QUEZON CITY-DISTRICT TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

RICHARD MANIEGO

SAN BARTOLOME

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with