^

Metro

2 nagtalik sa jeep, arestado

-

Kapwa hubo’t hubad na nadakip ng mga opisyal ng barangay ang isang lalaki at babae na  nagtatalik sa loob ng isang pampasaherong jeep habang pinapanood ng mga bystanders, kahapon ng mada­ling-araw sa Pasay City.

Grave scandal ang isinam­pang kaso ni P03 Reynaldo Aguba ng Criminal Investigation Division (CID) laban sa mga suspect na sina Christopher Plasabas, 29, binata, cons­truction worker ng E. Rodriguez St., Riverside, Malibay, ng na­sabing lunsod at Cristina Este­ban, 28, residente ng  S. de Guzman St., Pasay City.

Ang mga suspect ay nada­kip dakong alas-12:20 ng mada­ling-araw sa loob ng isang pam­pasaherong jeep na may pla­kang PYJ-677 na nakaparada sa Tramo St., Pasay.

Ayon sa tanod na si Vicente Ebon, kasalukuyan silang nag­papatrulya nang mapuna ang mga taong nag-uumpukan at na­kasilip sa loob ng nakapa­radang jeep. Nang lapitan at usi­sain ang loob ng jeep, na­lantad sa paningin ang dalawa na kapwa nakahubo at nagta­talik.

Nang sitahin na ng opisyal ang mga suspect ay nagtak­buhan naman ang mga mano­nood na ikinaalarma naman ng mga una. Kapwa inaresto at dinala sa himpilan ng pulisya ang mga suspect kung saan sinampahan na ang mga ito ng nabanggit na kaso. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CHRISTOPHER PLASABAS

CRIMINAL INVESTIGATION DIVISION

CRISTINA ESTE

GUZMAN ST.

KAPWA

NANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with