DOH Assistant Secretary, iktima ng riding-in-tandem
Muli na namang nalusutan ng kilabot na mga holdaper na “riding-in-tandem” ang pulisya makaraang isang mataas na opisyal pa ng Department of Health ang mabiktima kahapon ng umaga sa Quezon City.
Nakilala ang biktima na si Maria Bernadita Flores, DOH Asst. Secretary at executive director ng National Nutrition Council at naninirahan sa BF Executive Village Phase V, Parañaque City.
Sa imbestigasyon ng QCPD-Kamuning police Station-10, naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga
Nabatid na katatapos pa lamang dumalo ni Flores sa isang memorandum of agreement signing ceremony at hinihintay ang kanyang kotse nang biglang huminto ang isang motorsiklo lulan ang dalawang suspek.Mabilis na tinutukan umano ng baril ng mga salarin si
Nakuha ng mga salarin ang Louie Vitton handbag na may halagang P25,000, isang Nokia cellphone 6630, P10,000 cash, Cannon digital camera na may halagang P35,000, iba’t ibang credit cards at ATM cards.
Nagsasagawa na ngayon ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang makilala ang mga suspek habang hindi naman matukoy ang plaka ng motorsiklo dahil sa natatakpan ito ng cardboard. (Danilo Garcia)
- Latest
- Trending