^

Metro

Driver natalo na sa sugal, kinatay pa

-

Doble kamalasan ang inabot ng isang 42-anyos na pedicab driver na matapos matalo sa kara y cruz ay pinasok at pinatay sa loob ng kanyang bahay sa Tondo, Maynila kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang nasawing biktima na si Rudy Porcalla, ng Benilda St., corner Sunog Apo St., Gagalangin,Tondo, May­nila sanhi ng tinamong mga saksak sa katawan.

Sa report ng pulisya, dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang naganap ang insidente sa mismong   bahay ng biktima.

Umuwi ng bahay ang biktima upang magpahinga   matapos na matalo sa sugal subalit hindi pa man nagtatagal nang makita ito ng ilang residente na papalabas ng kanilang bahay habang sapo nito ang kanyang tiyan at may mga saksak sa katawan.

Hindi naman binanggit ng biktima kung sino ang pumasok sa kanyang bahay at sumaksak sa kanya, gayunman malaki ang hinala ng pulisya na kilala ng biktima ang grumipo sa kanya. (Grace dela Cruz)

vuukle comment

BAHAY

BENILDA ST.

CRUZ

GAGALANGIN

MAYNILA

NAKILALA

RUDY PORCALLA

SUNOG APO ST.

UMUWI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with