^

Metro

Mga tauhan ng Pasay Police nasa ‘hot water’

-

Nasa “hot water” nga­yon ang mga opisyal at ilang tauhan ng Pasay City Police Special Operation Unit makaraang masang­kot sa marahas na pag­dakip at pagkamatay sa kanilang kamay ng isang bading nitong nakalipas na Linggo ng madaling-araw.

Ayon kay Pasay City Police Chief, Supt. Marieto Valerio,  pinagpapaliwanag nito sina Supt. Reynaldo Ulic, hepe ng SOU, Chief Insp. Joey Goforth, night supervisor ng Station In­vestigation and Detective Ma­nagement Section (SIDMS) pati ang imbes­tigador na si PO2 Giovanni Arcine at mga kagawad ng SOU na sina SPO1 Claro Ven­tura, SPO1 Merle Gue­varra, SPO3 Joselito Lopez at PO2 Richmond Tobio.

Batay naman sa me­mo­randum ng Inspectorate Division, pinagsusumite ng written explanation ang mga nabanggit na opisyal sa loob ng 48-oras kung bakit hindi sila nararapat na patawan ng adminis­trative disciplinary action kaugnay sa pagkamatay ng isang bading na si Raul Ortega, 23, helper, resi­dente ng #204 Santos Village, Las Piñas City; na nahuli kasama ang anim pang bading sa madilim na bahagi ng Roxas Blvd. sa  tapat ng Japanese Em­bassy, Pasay City.

Kaugnay naman ito sa sinumpaang salaysay ni Mark Sevellano Jr., 22, food server, ng G. Villa­nueva St ., Pasay City na ka­bilang din sa mga naaresto na tatlong beses umanong sinuntok ng mga pulis sa dibdib ni Ortega na naging dahilan ng pagka­matay nito.

Ayon kay Valerio, saka­ling lumabas sa autopsy report at mapatunayan na pambubugbog ang naging dahilan sa pagkamatay ng biktima, mananagot ang mga naturang opisyal bunga ng kapabayaan at mahaharap rin ang mga ito sa kasong kriminal at administratibo.

Magugunita na kabi­lang si Ortega sa mga na­arestong sina Julius Laba­dan, 32, food server, ng 108-C David St., Pasay City, Ben Lowell Bacon, 25, ng 57 Lot 6, Villa Apollonia, Naic, Cavite, June Sa­vellano, 22, food server ng 307 G. Villanueva St., Pa­say City; Robert Morico, 28, #307 G. Villanueva St., Pasay City;  Domingo Maria­no, 28 ng 57 Russel St., Pasay at Ferdinand Brio­nes, 28, Campus Mi­nister, ng 2344 Tramo/Celeridad St., Pasay City.

Inaresto ang mga sus­pect na umano’y nagsasa­gawa ng “sex trip” at kalas­waan sa harapan ng pub­liko sa kahabaan ng Roxas Blvd., Pasay City. Maka­raan ang ilang oras ma­tapos maaresto ay nasawi sa detention cell ng Pasay City Police si Ortega bunga ng paninikip ng dibdib. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CITY

NORAGRAPHYLE

ORTEGA

PASAY

PASAY CITY

ROXAS BLVD

SHY

VILLANUEVA ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with