Director ng Pasay City Gen. Hospital hiniling patalsikin sa puwesto
Iginisa kahapon ng umaga sa Sangguniang Panglunsod ng Pasay City ang officer in-charge o tumatayong director ng Pasay City General Hospital makara ang maghain ng petition ang mahigit sa 100 mga doktor, nurses at hospital staff ng naturang pagamutan para patalsikin ang una sa kanyang pwesto dahil umano sa masamang pag-uugali nito.
Sa ginawang pagdinig ng Committee on Law and Justice na pinamumunuan nina Councilors Reynaldo Padua, Richard Advincula, Emi Calixto-Rubiano, Ian Vendevel at Bing Petallo, hiniling ng mga petitioners na mapatalsik sa puwesto bilang director ng ospital ang 54-anyos na si Dr. Tomas Antonio.
Ayon sa may 100 empleyado/hospital staff, malaki ang kanilang problema sa character o pag-uugali
Kabilang sa mga inirereklamo ng mga nurses at doktor na nagkaroon sila ng “traumatic” experiences mula nang manungkulan sa ospital si Dr. Antonio.
Simula umano noong June 19, 2008, halos mahigit sa 134 memorandum ang inisyu ni Dr. Antonio para lamang ilipat ng ibang puwesto ang isang empleyado kahit wala sa job description ng ospital na umano’y labag sa panuntunan ng Civil Service at para lamang mabigyan ng puwang ang appointment ng malalapit na kaibigan.
Nadiskubre pa na si Dr. Antonio ay hindi lehitimong taga-Pasay, taliwas sa Personal Data Sheet (PDS) na binigay nitong address na #8 Hernandez
Binigyan naman ng 10-araw si Dr. Antonio ng Sangguniang Panlunsod para makipagdayalogo sa mga petitioners at ayusin ang internal problem na labis na nakaaapekto sa mga pasyenteng ginagamot sa naturang ospital. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending