Dumating kahapon ng hapon sa Ninoy Aquino International Airport mula sa United Arab Emirates ang 20 domestic helper na Pilipina na minaltrato umano ng kanilang mga amo sa naturang bansa.
Ayon kay Senador Jinggoy Estrada na naghatid sa mga biktima, may 38 pang DH na Pilipina ang naistranded sa embahada ng Pilipinas sa Abu Dhabi makaraang tumakas mula sa mga abusadong amo. (Ellen Fernando)