^

Metro

2 anak ng pinaslang na lider militante, dinukot

-

Pinaratangan kahapon ng grupong Karapatan, isang human rights group ang intelligence operatives ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nasa likod umano ng pagdukot  sa dalawang anak ng pinatay na lider militante, kamakalawa sa Alabang, Muntinlupa City. 

Ito ang ibinulgar kahapon ni Fr. Dionito Cabillas, isang Aglipayan Priest at director ng grupong Karapatan matapos itong dumulog  sa PNP Press Corps  sa Camp Crame kahapon.

Sinabi ni Cabillas na nabigo silang   ma­tagpuan sa detention cell ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) sa Camp Aguinaldo ang dalawa. Kinilala ni Cabillas ang mga nawa­wala na sina Rose Ann Gumanoy, 21, at kapatid na si Fatima, 17.

Ayon kay Cabillas, kasalukuyang patungo ang mag­ka­patid sa Cavite mula sa Gen. Nakar, Que­zon nang maghinala  ang mga ito na may tumutugaygay sa kanila kaya’t nagpasyang makipagkita sa kanilang ina sa isang mall sa Alabang, Muntinlupa City dakong alas-4 ng hapon. Gayunman, nabigo ang ina ng dalawa na makita ang mga ito kasunod ng text mes­sage ng mga ito na sapilitan silang isinama ng mga naka-unipormeng  sundalo at dinala sa Camp Aguinaldo.

Nabatid na si  Rose Ann ay may kasong rebellion sa Infanta Regional Trial Court at pansamantalang nakalaya matapos maglagak ng piyansa.

Ang mga ito  ay kapwa  anak ni Eddie Gumanoy na kasama ni Eden Marcellana, Secretary General ng Karapatan  sa Southern Tagalog na pinatay sa Bansud, Oriental Mindoro may limang taon na ang nakalilipas. (Joy Cantos)

vuukle comment

AGLIPAYAN PRIEST

ALABANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CABILLAS

KARAPATAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with