^

Metro

4 holdaper bulagta sa shootout

- Angie dela Cruz, -

Patay ang apat sa limang miyembro ng kila­bot ng grupong “Bordado Gang” na pinaniniwala­ang sangkot sa  serye ng hol­ dapan sa ilang lugar sa Metro Manila ma­tapos na makipagpalitan ng putok sa mga pulis sa isang check-point kaha­pon ng umaga sa Taguig City.

Base sa ulat  naganap ang insidente dakong alas-11 ng umaga mala­pit sa 22nd MacKinley, Parkway,  Fort Bonifacio, ng nabanggit na lungsod matapos na makatang­gap ng  tip ang mga pulis na may aali-aligid na  mga armadong kalalaki­han sa nabanggit na lugar, na pawang sakay ng isang maroon Toyota Revo at motorsiklo.

Agad na nag­­sa­gawa ng operasyon at check-point ang pinagsa­nib na puwersa ng Taguig City Police at Southern Police District Office (SPDO) at po­si­tibo nga na ang mga sus­pek ay nasa target area. Dito na nagkaroon  ng habulan, hanggang sa pinaputukan ng limang suspek ang mga pulis na humahabol sa kanila kaya napilitan na rin ang mga awtoridad na gu­manti ng putok. Dalawa sa mga sus­pek ang kaagad na bina­wian ng buhay at ang dalawa naman ay dead-on-arrival sa Ospital ng Makati, habang ang isa pa ang mabilis na naka­takas. Hanggang sa nga­yon ay inaalam pa ng pu­lisya ang pangalan ng mga na­sawing suspek na pinani­niwalaang kabilang sa “Bordado Gang”.

Ayon pa rin sa report,  ang mga suspek ay sang­­kot sa ilang serye ng holdapan sa ilang lugar ng Kalakhang Maynila.

vuukle comment

BORDADO GANG

FORT BONIFACIO

KALAKHANG MAYNILA

METRO MANILA

SHY

SOUTHERN POLICE DISTRICT OFFICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with