Lalaki pinutulan ng ari ng lover na bading
Tapos ang kaligayahan ng isang 21-anyos na lalaki makaraang putulan siya ng ari ng kanyang karelasyon na kapwa lalaki habang natutulog ito sa loob ng isang motel sa Novaliches,
Nakilala ang biktima na nawalan na ng kanyang pagkalalaki na si Marvic Manquera, 21 , sales clerk, at residente ng Block 15 Lot 2 Phase 3, Brgy. Dagat-Dagatan,
Hawak naman ngayon ng Quezon City Police District-Station 4 (Novaliches) ang suspek na nakilalang si Jose Feliciano Valderama, 35, area manager ng isang kompanya at residente ng Sitio Bigtal, Fern St., Brgy.
Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-3:30 ng madaling-araw sa loob ng isang kuwarto sa isang hotel sa Novaliches, ng naturang lungsod.
Nabatid na nag-check-in ang dalawa sa Room 203 ng hotel at nag-inuman bago natulog ang biktima. Habang nahihimbing ito, dito kumuha ng kutsilyo ang suspek at saka pinutol ang pagkalalaki ni Manquera na naghihiyaw naman sa sakit.
Nagtangka pa umanong magpatiwakal si Valderama gamit rin ang kutsilyong pinamputol nito ng ari ngunit naawat pa ito ni Manquera at nakahingi ng tulong sa mga roomboy.
Isinugod sa
Lumalabas sa imbestigasyon na matinding selos umano ang tumama sa suspek dahil sa pagdududa nito na may iba pang pinopormahan si Manquera. Hindi naman malinaw kung lalaki rin o babae ang pinagseselosan nito. Nakadetine ngayon sa istasyon ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban dito.
- Latest
- Trending