^

Metro

Pre-paid shabu, nabuko

-

Nabuko ng San Juan police ang bagong estilo ng mga ‘tulak’ ng iligal na droga at mga parokyano nito na tinatawag na “pre paid shabu” dahil sa panibagong pakikidigma ng kapulisan laban sa pagsugpo sa paglaganap ng iligal na droga.

Ayon kay San Juan Police Officer in charge Superinten­dent Eduardo Lorenzo, ang pani­bagong modus na ito ng mga ‘tulak’ ay ang pre paid shabu kung saan binabayaran na muna ng kostumer ang order nilang droga at pagkatapos ay ide-deliver ito ng ‘tulak’ sa isang lugar na hindi aakalain ng awtoridad  na pwe­ deng gawing transaksyon para bagsakan ng shabu.

Ang bagong “modus ope­randi” ayon kay Lorenzo ay ginawa upang alisin na ng mga’ tulak’ at mga parokyano nito ang nakagawiang kaliwaan system kung saan pupunta ang kos­tumer sa tulak ng droga at doon kukuha ng shabu. Dagdag pa ni Lorenzo na natisod nila ang pa­­nibagong estilong ito ma­tapos nilang maaresto ang isang big-time na tulak sa Brgy. San Perfecto ng nasabing lung­sod nitong naka­raang Sabado.

Naging instrumental ang pagkatuklas sa bagong modus ng mga ‘tulak’  sa pamamagitan ng pagti-text ng mga concerned citizen. Matapos na makuha sa Info Text ang mga reklamo hing­gil sa ginagawang modus ope­randi ng mga tulak ay agad nag­ sa­gawa ng surveillance opera­tion ang mga tauhan ng San Juan police na nagbunga naman sa pagkakadakip ng sina­sabing big-time na ‘tulak’ ng shabu sa Brgy. San Per­fecto. (Edwin Balasa)

BRGY

EDUARDO LORENZO

EDWIN BALASA

INFO TEXT

LORENZO

SAN JUAN

SHY

TULAK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with