^

Metro

Obrero nahulog mula 3rd floor, dedo

-

Isang 55 anyos na obrero ang binawian ng buhay matapos makuryente at mahulog mula sa ikatlong palapag ng bahay na kan­yang ginagawan ng andamyo bunga ng pagmamadaling makatapos upang mapa­nood ang laban ni People’s Champ  Manny Pacquiao kay Mexican WBC boxing champ David Diaz, kahapon ng umaga sa  Tondo, Maynila.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa Tondo General Hospital ang biktimang si Pancho Solano, may asawa, laborer ng Gagalangin, Tondo.

Ayon kay Nardo Baylon, kasamahan ng biktima, habang naglalagay ng andamyo si  Solano sa labas ng bahay na pag-aari ng isang Marichu Ombao, ay aksidenteng  napadikit ito sa basang plywood na naka­konekta  sa isang wire ng koryente.  Nang nangisay umano ito ay biglang lumagapak sa ground floor.

“Minamadali nga niyang maglagay ng porma  para mapalitadahan na habang hinihintay pa niya ’yung laban ni Pacquiao at Diaz, dahil gusto niya itong  panoorin,” ayon kay Baylon. (Ludy Bermudo)

DAVID DIAZ

LUDY BERMUDO

MARICHU OMBAO

NARDO BAYLON

PANCHO SOLANO

TONDO GENERAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with