^

Metro

‘Budul-Budol Gang’, aktibo na naman

-

Ang simpleng panluluko ay nagiging epektibo umano sa mga taong walang kamalayan sa modus-operandi ng mga sindikato, ito ay matapos na matangay ng grupo ng “Budul-Budol Gang” ang malaking halaga ng mga alahas ng isang pamilya, kamakalawa ng hapon sa Pasay City.

Nanlulumong nagtungo sa himpilan ng pulisya si Arden Acibar, 20, estudyante, resi­dente ng  Villa Nicasia 1, Imus, Cavite, matapos matangayan ang kanyang pamilya ng ma­higit sa tinatayang P.1 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng alahas.

Batay sa pahayag ni Acibar, dakong alas-3 kamakalawa ng hapon, una siyang nakatang­gap ng tawag sa kanyang land­line mula sa isang hindi nagpa­kilalang babae na nagsabing ang kanyang pinsan na si Chistine Joy Dante, 28, govern­ment employee ay malubha matapos na maaksidente  sa Makati City.

Ayon sa tumawag, kinaka­ilangan ng pasyente ng ma­laking halaga ng salapi para matustusan ang pangangaila­ngan sa medisina at operasyon ng kanyang pinsan na nilala­patan ng lunas sa isang ospital.

Dahil wala umano silang malaking halaga ng salapi, inutu­san umano siya ng babae na kunin ang kanilang mga alahas pati na ang alahas ni Christine Joy na nakalagay sa loob ng cabinet.

Agad namang nakipagka­sundo ang suspect sa pamilya Dante na makipagkita sa harap ng Heritage Hotel, EDSA Ext., Pasay City para iabot ang mga alahas na isasanla sa pawn­shop. Sa hagdanan ng hotel, bago mag-alas-5 ng hapon ay sinalubong sila ng isang babae na may taas na 5’2”, payat, kayumanggi, hanggang balikat ang haba ng buhok at sungki ang mga ngipin.

Nagmamadali umano ang suspect na kinuha ang mga alahas na nakalagay sa isang envelop at inutusan ang mga biktima na maghintay para maisanla ang mga alahas.

Ang suspect ay agad na mag-isang naglakad patungo sa Rotonda Taft Avenue pero inabot na umano ang mga bik­tima ng gabi ay hindi na bumalik ang pinagkatiwalaang babae.

Nang umuwi naman sa kanilang bahay, laking-gulat ng mga pamilya nang madatnan nilang nag-aantay sa kanilang pag-uwi ang isang malakas at masiglang si Christine Joy na sinasabi ng suspect na na­aksi­dente. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALAHAS

ARDEN ACIBAR

BUDUL-BUDOL GANG

CHRISTINE JOY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with