Malaki ang pasasalamat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbibigay palugit ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Rizal sa pagpapagamit nito sa ahensiya sa kanilang sanitary landfill sa Rodriguez.
Ayon sa MMDA, ang nasabing hakbang ng Rizal provincial government ay malaking tulong sa kasalukuyang sitwasyon ng Kalakhang Maynila hinggil sa kinakaharap nitong problema sa tapunan ng basura na makagamit pa sa 19-ektaryang Rodriguez sanitary landfill nito bilang dumpsite.
Ayon kasi sa pahayag ni Rizal Provincial Gov. Casimiro A. Ynares III, muli niyang ginawaran kamakalawa ng 45-day temporary permit ang MMDA.
Ayon pa kay Ynares na bunga ng inilabas niyang kautusan ay may 15-days pa ang MMDA na muling mapalawig ang pagtapon sa mga nakulekta nitong basura sa Kalakhang Maynila sa Rodriguez sanitary landfill simula kamakalawa.
Dahil dito, dadalhin na rin sa wakas sa nasabing dumpsite upang doon itapon ang mga basurang karga ng 58 dump trucks na unang ipinadala kamakailan ni Makati City Mayor Jejomar Binay sa punong-tanggapan ng MMDA sa Guadalupe, nabanggit na lungsod na agad namang hinila at dinala sa mga impounding areas ng ahensiya sa Mandaluyong at Pasig City makaraang makaranas ng pananakit ng tiyan, sikmura at pagsusuka ang mga residente nang makalanghap ng masangsang na amoy na buhat sa nasabing mga basura. (Rose Tamayo-Tesoro)