^

Metro

Paggamit ng sanitary landfill pinalawig pa ng Rizal govt.

-

Malaki ang pasasalamat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa pagbibigay palugit ng lokal na pamahalaan ng lalawigan ng Rizal sa pagpapagamit nito sa ahensiya sa kanilang sanitary landfill sa Rodriguez.

Ayon sa MMDA, ang nasabing hakbang ng Rizal provincial government ay malaking tulong sa kasalukuyang sitwasyon ng Kalakhang Maynila hinggil sa kinakaharap nitong prob­lema sa tapunan ng basura na makagamit pa sa 19-ektaryang Rodriguez sanitary landfill nito bilang dumpsite.

Ayon kasi sa pahayag ni Rizal Provincial Gov. Casimiro A. Ynares III, muli niyang gina­waran kamakalawa ng 45-day temporary permit ang MMDA.

Ayon pa kay Ynares na bunga ng inilabas niyang kautusan ay may 15-days pa ang MMDA na muling mapalawig ang pagtapon sa mga nakulekta nitong basura sa Kalakhang Maynila sa Rodriguez sanitary landfill simula kamakalawa.

Dahil dito, dadalhin na rin sa wakas sa nasabing dumpsite upang doon itapon ang mga basurang karga ng 58 dump trucks na unang ipinadala kamakailan ni Makati City Mayor Jejomar Binay sa punong-tanggapan ng MMDA sa Guadalupe, nabanggit na lung­sod na agad namang hinila at dinala sa mga impounding areas ng ahensiya sa Mandalu­yong at Pasig City makaraang makaranas ng pananakit ng tiyan, sikmura at pagsusuka ang mga residente nang makalanghap ng masangsang na amoy na buhat sa nasabing mga basura. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

CASIMIRO A

KALAKHANG MAYNILA

MAKATI CITY MAYOR JEJOMAR BINAY

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

PASIG CITY

RIZAL

RIZAL PROVINCIAL GOV

ROSE TAMAYO-TESORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with