^

Metro

Mister patay sa kaaway ni misis

- Gemma Amargo-Garcia -

Napatay ang isang 40-anyos na mister matapos itong gantihan at barilin ng ka­away ng kanyang misis ka­hapon ng umaga sa Sam­paloc, Maynila.

Namatay habang ginaga­mot sa United Doctors’ Me­dical Center sanhi ng isang tama ng bala ng pengun sa katawan ang biktimang si Rolando Contreras, tricycle driver ng Cebu St., Sam­paloc, ng nasa­ bing lungsod.  Patuloy namang pinagha­ha­­nap ang suspek na si Aaron Cahucom, 17, miyem­bro ng “True Brown Style” (TBS) ng 4 Biak-na-Bato St., cor­ ner Bayani St., Quezon City.

Sa report ni Det. Jay San­tos ng Manila Police District (MPD)-Homicide Section, dakong alas-9:20 ng umaga nang maganap ang insidente sa  harapan ng bahay sa #799 Mindanao St., corner Cebu St., Sampaloc, Manila.

Bago ang krimen kinom­pronta umano at pinapaga­litan ni Lourdes Contreras, asawa ng biktima ang suspek sa hi­na­lang may gagawin itong ma­sama nang nakita itong tang­kang pu­masok sa kanilang com­pound.

Galit umanong  umalis ang suspek at pasigaw na minura  at nag-dirty finger pa kay Lourdes  na nakita at narinig naman ng biktima kaya’t hina­bol niya ito. Umabot pa hang­gang sa kanto ng Mindanao St., ang paghahabulan ng dalawa subalit hindi akalain ng biktima na mayroong dalang pengun ang suspek at binaril ito sa tiyan na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

AARON CAHUCOM

BATO ST.

BAYANI ST.

CEBU ST.

HOMICIDE SECTION

MINDANAO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with