^

Metro

7 hijackers arestado

-

Arestado ang pitong hijackers makaraang ma­aktu­hang kinukulimbat ng mga ito ang mga yero na nagka­kahalaga ng isang milyong piso mula sa isang trailer truck na inililipat naman sa isang pampasaherong jeep kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina  Benafred Mamalias, 21; Tony Sayson, 33; Rodel Millete, 43; Emilio Mascardo, 40; Tomas Reyes Jr., 44: Ferdinand Decierdo, 24, at ang lider ng mga ito na si Benjamin Serrano, 33, pawang taga-Trece Martirez at General Trias, Cavite.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:20 ng gabi nang makatanggap sila ng  tawag sa telepono kung saan may mga kalalakihang naglilipat ng mga yero mula sa isang trailer truck papunta sa isang jeep sa madilim na bahagi ng Dagat-Dagatan Avenue, Caloocan City. Mabilis silang rumesponde sa nasabing lugar at doon naaktuhan ang hindi na nakapalag pang mga suspek.

 Nabawi ng mga pulis ang aabot sa P1M halaga ng GI Sheet, trailer truck (PUF-289) na pag-aari ng isang Anita Tan at pampasaherong jeep (DTX-401) na pag-aari ng suspek na si Reyes Jr. Nakuhanan din ng magnum .44 si Mascardo at  kalibre .38 na paltik naman  ang nakuha kay Decierdo. Nabatid na  hinayjack ng mga suspek ang nasabing truck sa GMA Cavite, dakong alas-9 kamakalawa ng umaga. (Lordeth Bonilla)

ANITA TAN

BENAFRED MAMALIAS

BENJAMIN SERRANO

CALOOCAN CITY

CAVITE

DAGAT-DAGATAN AVENUE

EMILIO MASCARDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with