Sekyu nag-amok: Pulis, 1 pa sugatan

Sugatan ang isang pulis-Maynila at isang   gi­nang makaraang magwala ang isang security guard sa Malate, Maynila  kama­kalawa ng gabi.

Ginagamot ngayon sa Ospital ng Maynila ang biktimang si PO1 Alexan­der Lim, nakatalaga sa Ma­nila Police District-District Mobile Force Unit (MPD-DMFU) at Nilda Daniac, 46, ng A. Linao St. Malate.

Ginagamot naman sa Philippine General Hos­pital ang suspek na si Francis Pranga, security guard, ng San Nicolas, Floridablanca, Pampanga.

Ayon sa ulat, dakong alas-11:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kanto ng A. Linao at  Qui­rino Ave., Malate, Manila.

Nagpapahinga si Lim sa loob ng kanilang bahay nang nakarinig ng pagwa­wala ng isang tao sa labas.

Tinangkang kompron­tahin ni Lim ang suspek subalit imbes na tumigil ay pinagbabato nito ang una at naghamon na sasaktan nito ang sinuman lalapit. Lumapit pa rin si Lim su­balit nagbunot ng baril si Pranga at pinaputok sa direksiyon sa kanya dahi­lan upang tamaan ito gayundin sa Daniac na naglalakad lamang sa naturang lugar.

Sa puntong ito, gu­manti si Lim at binaril ang suspek na tinamaan sa kaliwang kamay at balikat. (Grace dela Cruz)

Show comments