^

Metro

Holdaper bulagta sa parak

- Angie dela Cruz, -

Isang kilabot na holdaper na nang-hostage pa ng isang room­boy ang nabaril at na­patay, ha­bang arestado naman ang dalawa niyang kasamahan ma­tapos na hol­dapin nila ang mga pasahero sa isang jeep, kahapon ng ma­­daling-araw sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang suspek na si  Geraldson Josue, 23, ng BMBA Com­pound ng nabanggit na lungsod, habang  na­dakip naman ang kasa­ma­han nitong sina Mar­lon Sunga, 24,  at Jolito Magnaye, 23.

Sa pagsisiyasat ng pu­lisya, dakong ala-1 ng mada­ling-araw nang maganap ang insidente sa pagitan ng 2nd at 3rd Avenue Extention (RAE), Grace Park ng nasabing lungsod.

Nabatid na kasaluku­yang nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan ng Police Com­munity Precinct (PCP) 5, Ca­loo­can City Police sa di-kala­yuan sa pinangya­rihan ng insi­dente nang ma­pansin ng mga ito na nag­ka­ka­gulo sa ka­bilang kalye kung saan isang pasahe­ro ang tuma­takbo at nagsa­bing hinol­dap ang ka­nilang sa­sakyan.

Mabi­lis na­mang nag­res­pon­de ang mga awtoridad at ka­nilang na­abutan ang tatlong sus­pek na papa­ta­kas na hu­man­tong sa habulan na nagre­sulta sa pagka­ka­aresto kina Sunga at Magnaye.

Samantala ang nasawi na­mang si   Jo­sue ay puma­sok sa Victory Hotel na mata­tag­puan sa ka­habaan ng 3rd Ave­nue at hi­nostage ang room­boy na si Jason De­lo­ri­no, 27, gamit ang isang patalim.

Hindi naman nasiraan ng loob si Delorino at nagawa nitong makipagbuno sa sus­pek hang­gang makawala sa pagka­kasakal na naging dahilan upang paputu­kan ni PO2 Allan Tolentino ang sus­pek na ikinamatay nito.

Narekober ng pulisya kina Sunga at Magnaye ang dala­wang kalibre .38 baril at pa­talim na ginamit ng na­sawing holda­per at mga ari-ariang kinulimbat ng mga ito sa ka­nilang biniktima.

vuukle comment

ALLAN TOLENTINO

AVENUE EXTENTION

CITY POLICE

SHY

SUNGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with