^

Metro

Sapatos, medyas at  pantalon ‘for rent’ sa  LTO

-

Hindi lang mga fixers ang makikitang naglipana sa paligid ng Land Transportation Office (LTO) sa may East Avenue sa lungsod ng Quezon. May mga bagong modus operandi rito at ito ay ang rental ng sapatos, medyas at pantalon na nagkakahalaga mula P50 hanggang P150. Dahil sa kautusang ipinatutupad ngayon na bawal pumasok sa compound ng LTO ang mga naka-tsinelas, naka-shorts, nakaisip ng pagkakakitaan ang ilan nating kababayan. Ito nga ay ang magpaarkila ng sapatos na may kasamang medyas at pantalon sa sinumang may transaksyon sa loob ng tanggapan.

Kinakagat naman ito ng ilang motorista na nagpu­punta ng LTO main office lalo na nga ang ayaw nang ma­­­abalang bumalik pa dahil sa hindi nila alam ang bagong patakaran at sa kagustuhang matapos agad ang kanilang tran­saksyon napipilitan silang umarkila ng sapatos, medyas o di kaya ay pantalon.

Nakapaloob pa sa nasabing ka­utusan ng LTO na dapat na maayos ang pananamit ng mga papasok sa LTO compound. (Angie dela Cruz)

ANGIE

CRUZ

DAHIL

EAST AVENUE

KINAKAGAT

LAND TRANSPORTATION OFFICE

NAKAPALOOB

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with