^

Metro

Shootout: 3 holdaper bulagta

- Edwin Balasa -

Bumulagta ang tat­long hinihinalang notor­yus na mga holdaper ma­karaang mapatay ang mga ito ng nag-iisang pulis sa na­ga­nap na shoot­out kahapon ng madaling-araw sa Man­­da­luyong City.

Kinilala ang dalawa sa nasawing mga suspek na sina Alex Galicia at Rodel Zaragoza, kapwa taga-  San Jose St., Brgy. Ma­uway ng nasabing lung­sod, ha­bang inaalam pa ang pagkakakilanlan sa isa pa nilang kasamahan.

Samantala, bahagya lamang nasugatan ma­ka­raang madaplisan ng bala sa katawan ang ­pulis ng mga suspek na nakilalang si Sr. Insp Hoover Pas­cual, nakatalaga sa Anti-Illegal Drugs Special Ope­ration Task Force (AID-SOTF) ng Mandaluyong police.

Ayon sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling- araw nang matiyempu­han ni Pascual na sakay ng kanyang kotse at pa­tungo sana upang bisi­tahin ang kanyang tatay ang mga sus­pek na na­ka­sakay ng traysikel at hinoldap ang papauwing biktima na na­kilalang si Lot Guillena, 30, sa ka­ha­­baan ng Coro­nado St. Brgy. Hulo, lungsod na ito.

Agad na rumesponde ang pulis at hawak ang kanyang shotgun ay sini­gawan ang mga suspect na armado ng maiikling kalibre ng baril. Nagpa­kilala itong pulis at hini­mok ang mga suspect na su­muko na lamang su­balit imbes na matakot ay agad na pinaputukan ng mga ito ang naturang pulis.

Agad namang naka­kubli si Pascual sa kan­yang kotse at napilitan nang makipagpalitan ng putok sa mga suspek. Ma­tapos ang ilang minu­tong palitan ng putok ay bumu­lagta na ang mga suspek.

ALEX GALICIA

DRUGS SPECIAL OPE

LOT GUILLENA

RODEL ZARAGOZA

SAN JOSE ST.

SHY

SR. INSP HOOVER PAS

ST. BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with