^

Metro

Misis, kapitbahay huli ni mister sa motel

-

Nabuking ng isang mister na sekyu ang pagtataksil ng kan­yang misis nang masundan ng una ang huli kasama ang kapitbahay nitong kala­guyo na pumasok sa loob ng isang motel, kahapon ng ma­daling-araw sa Pasay City.  Nahaharap sa kasong pakikiapid ang nasabing misis na kinilalang si Elsa Aguirre-Cabantog, 31, mananahi, ng Pali­paran-2, Dasmariñas, Cavite at kalaguyo nitong si Jolito Fer­nandez, 47, ng nabang­git ding lugar.

Ang magkalaguyo ay dinakip ni PO2 Jordan Moreno ng PCP-6 makaraang mag­­sum­bong sa awtoridad ang mister na si Esmeraldo Cabantog, 40.

 Ayon sa pahayag ni Esmeraldo, bilang security guard, lingguhan siya kung maka­uwi ng ka­nilang bahay at ang kanyang misis naman ay mananahi sa Baclaran, Para­ñaque City. Nitong mga nakaraang buwan, naramdaman umano ni Esme­raldo ang biglang panlalamig sa kanya ng misis at madalas na nakikitang palihim na nakikipag-text sa isang lalaki.

Dahil kinutuban na may ibang lalaki ang asawa, dakong alas-5 kamakalawa ay minabuti ni Esmeraldo na hintayin ang paglabas sa trabaho ng asawa at sinun­dan ito hanggang masaksi­han ang pagta­tagpo ng ginang at kalaguyo na pumasok sa nasabing motel.  Laking-gulat naman ni Esmeraldo nang matuklasan na ang kinalolokohang lalaki ng asawa ay ang kanilang kapitbahay na si Jolito na pala­gian nitong nakakainuman.

Batay sa imbestigasyon ni SPO1 Gil Manabat, may hawak ng kaso, dakong alas-5 ng madaling-araw nang maaresto ang mga suspect sa Rotonda Lodge, EDSA, Pasay City. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

CITY

ELSA AGUIRRE-CABANTOG

ESMERALDO

ESMERALDO CABANTOG

GIL MANABAT

JOLITO FER

PLACE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with