^

Metro

Talayan case lutas na

-

Itinuturing na ng pulisya na nalutas na ang Talayan robbery-arson slay case dahil sa pagkakaaresto ng apat na suspek dito. 

Ito ang inihayag kahapon ni National Capital Regional Police Office Director Geary Barias na nagsabing, dahil sa pag­si­sikap ng mga tauhan ng Quezon City Police District, nadakip ang mga suspek na sina Miguel Estopa y Ybanez, 42, may-asawa, driver, ng Tanay, Rizal; Jeofrey Cerilo y Manalo, 45, ng Sto. Domingo, Quezon City; Ramon David y Hernandez, 47, tindero, ng Sto. Domingo, at Judy Ca­jontay Operio.

Sinabi pa ni Barias na ang tagumpay ng mga operatiba laban sa mga suspek sa Ta­layan robbery-arson-slay case ay nagsimula nang isang impormante ang nag­sa­bing kinausap siya ni Estopa na sumali sa isasagawang pag­nanakaw na siyang naging susi upang mabatid ang kinaroroonan ni Estopa.

Kabilang sa mga nare­kober ng mga awtoridad sa tat­long nasakoteng suspek ay tatlong uri ng packing tapes na kagaya ng ginamit sa mga biktimang napatay hanggang sa masunog.

Idinagdag pa ni Barias na ang pag-aresto at pagkaka­resolba sa kaso ay isang ma­linaw na dahilan na ang PNP ay may kapasidad na lumutas ng krimen at manghabol at magpapanagot ng mga kriminal.

Pinapurihan rin ni Barias sina QCPD chief, PSSupt. Mag­tanggol Gatdula at PSupt. Franklin Moises Mabanag sa pagkakalutas sa kaso.

DOMINGO

ESTOPA

FRANKLIN MOISES MABANAG

JEOFREY CERILO

JUDY CA

MIGUEL ESTOPA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE DIRECTOR GEARY BARIAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with