Sidewalk lilinisin

Mas paiigtingin ng Metro­politan Manila Development Authority ang ka­nilang side­walk clearing operations sa university belt sa Maynila at maging sa Divisoria.

Sinabi ng MMDA sa isa nitong pahayag na hindi nito tatantanan ang pag­tang­gal sa lahat ng mga sagabal sa mga sidewalk ng university belt.

Pangunahin ding target ng MMDA ang pagtanggal  sa mga illegal vendors ng mga pekeng diploma, se­gunda-manong mga libro, bulaklak at mga kainan na sumasakop sa buong sidewalk ng Lerma St. sa harap ng Far Eastern Uni­versity; Claro M. Recto ma­lapit sa University of the East, San Sebastian College at sa Quiapo Campus ng Manuel L. Quezon University na halos hindi madaanan ng mga tao. (Rose Tamayo-Tesoro)

Show comments