Maingay sa inuman, binoga, patay

Isang 23-anyos na binata ang binaril sa ulo  at napatay ng isang hindi kilalang lalaki na nairita sa pagiging maingay ng una habang ito ay nakiki­pag-inuman kamakalawa ng gabi sa Malabon City.

Nakilala ang nasa­wing biktima na  si Darwin Ma­ñoso, ng  Purok 6, Dulong Hernandez, Brgy. Catmon ng nabanggit na lungsod.

Sa ulat ng pulisya, na­ganap ang insidente   da­kong alas-10:50 ng gabi nang maganap ang insi­dente sa harap mismo ng tahanan ng biktima sa na­turang lugar. 

Nabatid na masayang nakikipag-inuman ang biktima sa kanyang mga barkada habang ma­ingay itong bumabangka  nang  dumaan ang sus­pect na hinihinalang na­irita sa pagi­ging maingay ng bik­tima at walang sabi-sabing pinaputukan ng salarin ang biktima sa ulo na naging sanhi ng aga­ran nitong kamatayan.

Mabilis na tumakas ang suspect dala ang gi­na­­mit na baril. (Lordeth Bonilla)

Show comments