^

Metro

Panibagong oil price hike ikinasa

-

Muling ikinasa ng mga kompanya ng langis ang panibagong oil price hike simula kahapon ng madaling araw, ito ang ika-16 na beses na pag­taas ng presyo ng petrol­yo ngayong taong ito.

Dakong alas-12:01 ng madaling araw kahapon ng simulan ng Pilipinas Shell ang halagang P1.50 kada litrong pag­taas sa presyo ng ka­nilang gasolina, diesel at kerosene na sinundan ng UniOil, Eastern Petro­leum, Chevron at Caltex dakong alas-6 ng umaga.

Ayon sa mga taga­pag­salita ng mga kom­panya ng langis, ang ling­guhang oil price hike ay bahagi pa rin ng kanilang under­ recoveries dahil sa pa­tuloy na pagtaas ng pres­yo ng petrolyo sa pan­daigdigang pamilihan ng mga nakaraang buwan.

Dahil sa panibagong pagtaas ng presyo ng pe­trolyo, papalo na sa P60 ang presyo ng ga­ solina kada litro habang P50 naman ang presyo ng diesel.

Inaasahan namang susunod pa  ng kapa­re­has ding pagtaas ang iba pang kompanya ng langis. (Edwin Balasa at Rose Tamayo)

AYON

CALTEX

DAHIL

DAKONG

EASTERN PETRO

EDWIN BALASA

PILIPINAS SHELL

ROSE TAMAYO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with