^

Metro

Lolo at lola ng sanggol na inihagis sa taxi, kakasuhan

-

Sasampahan ng ka­song kriminal ang lolo at lola ng sanggol na ini­hagis sa tumatakbong taxi matapos isilang ng kanilang 15-anyos  na anak noong Martes ng hapon sa Paco Maynila.

Ang mga kakasuhan ay sina Elena Tria at ang kanyang kinakasamang si Marcus De Guzman na umano’y kasama sa taxi ng menor-de-edad na ina ng sanggol nang ihagis palabas ng sasakyan ang sanggol. Kasong frus­trated infanticide  ang ini­hahandang kaso laban sa mga ito.

Hindi naman makaka­sama sa kaso ang ina ng sanggol batay na rin sa umiiral na batas sa ilalim ng RA 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act or 2006 kung saan na­kapaloob na hindi puwe­deng sampahan ng kasong kriminal ang mga may edad na 15 taon pababa.

Nabatid na ang ina ng 15-anyos na dalagita ang nag-utos sa huli na ihagis na lamang palabas ng taxi ang isinilang nitong sanggol sa loob ng sa­sakyan.

Gayunman,  isasaila­lim ng Department of Social Welfare and De­velopment sa coun­sell­ing, education at iba pang programang maka­tu­tulong sa muling pag­babagong buhay ng ina ng sanggol  sa halip na ikulong ito at isama sa demanda.

Samantala, nasa ma­buti na umanong kalaga­yan ang sanggol na pina­ngalanang “Mayumi” ayon sa mga nag-aala­gang nurse sa kanya sa Ospital ng Maynila ba­gama’t patuloy pa ring inoobserbahan ang po­sibleng impeksiyong na­kuha ng sanggol bunga ng pagkakasilang sa labas ng pagamutan. (Grace dela Cruz)

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DE

ELENA TRIA

JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT

MARCUS DE GUZMAN

PACO MAYNILA

SANGGOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with