Siga nag-amok: 1 patay, 3 sugatan

Isa ang nasawi at tatlo pa ang ma­lubhang nasugatan ma­tapos mag-amok ang isang kilalang siga kamaka­lawa ng gabi sa Pasay City.

Nakilala ang nasawi na si Victor Fuentes, 50, jeep­ney barker na nag­tamo ng tatlong tama ng bala ng baril sa kata­wan, samantalang kri­tikal din sina Danilo de  Paz, 45, barangay ta­nod. Sugatan din sa in­sidente ang asawa ni de Paz na si Ve­ronica, 44; at vendor na si Theresa Romero, 38, na nahagip din ng bala.

Samantala, pinagha­hanap naman ng pu­lisya ang suspect  na si  Luis Lim,  47, ng  Apelo Cruz ng nabang­git na lugar na mabilis na tu­ma­kas dala ang ginamit na baril ma­tapos ang isi­nagawang pag-aamok.

Sa inisyal na ulat,  na­ganap ang insidente  dakong alas-7:30 ng gabi sa isang eskinita sa Apelo Cruz habang nag­la­lakad ang mag-asa­wang Paz patungong barangay nang biglang mag­wala ang suspecr at saka walang habas na nagpaulan ng putok ng baril.

Napag-alaman na ang suspect ay lider ng sindikatong nagkakabit na ilegal na kuryente na buwanan namang sumi­singil sa kanilang mga kliyente. Napag-alaman pa  na hindi na dinatnan ng suspect ang dati niyang mga sinisingil kung kaya agad itong nag-amok at nagpa­putok ng baril. (Lordeth Bonilla)

Show comments