Mga nag-lipo sa nasawing OFW, pinalaya
Pinalaya na ng Quezon City Police Homicide Division ang tatlong doktor , dalawang nurse at isang clinic attendant na nagsagawa ng liposuction sa nasawing OFW matapos ipag-utos ng QC prosecutors Office na walang dahilan upang idetained ang mga ito ng mahabang panahon.
Sa isang panayam, sinabi ni Col. Lino Banaag, hepe ng Homicide Division ng QC Police, sinabi nitong ipinagbigay-alam sa kanila ng PNP Crime Lab at sa QC court ang resulta ng kanilang inisyal na ginawang pag-autopsy sa bangkay ng OFW na si Mary Jane Arciaga, 29 na ang resulta ay aabutin pa ng dalawang buwan bago madetermina ang tunay na ikinamatay ng biktima.
Ang mga pinalayang mga doktor at nurse ay pawang empleyado ng Borough Medical Care Institute na nasa Cyber One building Eastwood Cyberpark E. Rodriguez QC.
Sinabi ni Col. Banaag na malamang sa buwan pa ng Setyembre nila malalaman ang sanhi ng tunay na pagkamatay ng biktimang si Mary Jane Arciaga, OFW buhat sa Dubai dahil sa buwang ito pa lamang matatapos ang pagbusisi ng PNP crime Lab sa bangkay ng biktima. (Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending