^

Metro

Kakulangan ng palikuran sa eskuwelahan sa Taguig, itinanggi

-

Pinabulaanan  kahapon ni Taguig City Mayor Sigfrido Tinga ang ulat  na iisa lamang ang pali­ku­ran o comfort room na gina­gamit ng mahigit sa 2,000 estud­yante ng Silangan Elementary School sa Brgy. Maharlika Village, nabanggit na lungsod.

Ayon kay Tinga, lumalabas sa kanilang isinagawang ins­pek­siyon na may walong pali­kuran naman umano ang naka­tayo mismo sa nasabing pa­aralan subalit ilan sa mga ito ay hindi basta-basta maga­mit bunga ng mga ginagawa pang bagong silid-aralan.

Aminado naman si Raul Villar, head ng Taguig Facilities Management Office na nag­karoon nga ng kakulangan sa pasilidad sa palikuran subalit nangako naman itong aaksiyu­nan ang nasabing problema.

Bukod dito, sinabi din ni Villar na lahat ng comfort rooms ay maaayos na sa da­rating na buwan ng August, habang ang may 1,222 silid-aralan ay sasa­ilalim sa reno­vations bago pa man matapos ang taon.

Ayon naman kay Tinga, na­ katakdang magdag­dag ng  may 150 new class­rooms bago ma­tapos ang su­sunod na pasu­kan kung saan nakapagpa­tayo na rin ang lokal na pama­halaan ng may 260 silid-aralan simula pa noong 2001. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AYON

MAHARLIKA VILLAGE

RAUL VILLAR

ROSE TAMAYO-TESORO

SHY

SILANGAN ELEMENTARY SCHOOL

TAGUIG CITY MAYOR SIGFRIDO TINGA

TAGUIG FACILITIES MANAGEMENT OFFICE

TINGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with