^

Metro

Sekyu kinatay ng kainuman

-

Kamatayan ang idinulot ng umano’y pagiging palamura ng isang 39-anyos na security guard makaraang pagtatagain  ng kanyang kainuman na mi­nura ng una, kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Hindi na umabot pa ng bu­hay sa pagamutan  si Norberto dela Peña ng #12 A. Santol St., Quezon City bunga ng tinamong mga taga sa ulo at iba pang parte ng  kanyang katawan.

Patuloy naman ang isinasa­ga­wang pagtugis ng mga ele­mento ng Caloocan-PNP laban sa hindi nakilalang suspect na mabilis na tumakas matapos ang nasabing insidente.

Ayon sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang mangyari ang nasabing krimen sa Blk. 4, East Libis, Brgy. 160, Baesa, Calo­ocan City.  Bago umano ang in­si­dente ay unang nakipag-inu­man ang biktima sa  suspect at biglang nagkaroon umano ng diskusyon sa pagitan ng mga ito dahil sa umano’y pagiging pa­lamura ng una.

Sinabihan pa umano ng sus­pect ang biktima na tigilan ang pag­bibitiw ng mga maa­ang­hang na pananalita subalit hindi ito pinansin ng huli dahilan upang kunin ng una ang katabing jungle bolo at pinag-uundayan ng taga sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang huli.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang sus­pect, habang isinugod naman ang biktima ng mga barangay tanod sa pamumuno ni ka­gawad Florentino Timbol sa pagamutan, subalit sa daan pa lamang ay binawian na ito ng buhay. (Rose Tamayo-Tesoro)

CALOOCAN CITY

EAST LIBIS

FLORENTINO TIMBOL

QUEZON CITY

ROSE TAMAYO-TESORO

SANTOL ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with