^

Metro

Pulis, 5 pa todas sa shootout

- Danilo Garcia -

Anim na hinihinalang mi­yem­bro ng isang sindikato ka­bilang na ang isang pulis-May­nila ang nasawi makara­ang maka-engkuwentro ang mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) sa Fair­view, ng naturang lungsod, kamakalawa ng gabi.

Tatlo lamang sa mga na­sawi ang nakilala ng pulisya, ito ay sina   PO1 Lino Acedera, naka­ta­laga sa Manila Police District (MPD); Mauro Lerpido, isa umanong stuntman; at Francis Violeta. Hinihinala na miyembro ng “Akyat Bahay Gang” ang gru­po na nambi­biktima ng maya­yamang resi­dente sa lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Que­zon City Police District-Crimi­nal In­vestigation and De­tec­tion Unit, naganap  ang eng­ku­wentro bandang alas-9 kamakalawa ng gabi sa D. Tuazon, Agno at Cor­dillera Streets sa Doña Josefa Vil­lage, Fairview.

Nabatid na inalerto ng mga residente ang pulisya matapos ang kahina-hinalang presen­sya ng isang Honda Jazz at isang Mitsubishi Lancer sa bisinidad.  Agad namang ru­mesponde ang mga tauhan ng QCPD Station 6 at Special Weapons and Tactics (SWAT). 

Mabilis na pinaputukan ng nag-iisang sakay ng Honda Jazz ang mga pulis habang tinangka pang tumakas ng limang nakasakay sa Lancer ma­tapos na banggain ang Mitsubishi Adventure na kina­lu­lulanan ng mga awtoridad.  Dito naganap ang palitan ng putok na ikinasawi ng anim na suspek,  habang sa kabilang panig ay anim na pulis naman umano ang sugatan.

Narekober sa lugar ang tat­long granada, isang kalibre .45, isang kalibre .38, isang Uzi pistol, isang M-16 rifle at isang identi­fication card ng Dept. of In­terior and Local Govern­ment (DILG).

Na­kuha rin sa loob ng sa­sak­yan ang isang martilyo, gloves, packaging tape, plastic na posas at tatlong galon ng gasolina. Sinusuri rin ngayon sa Land Transportation Office (LTO) ang rehistro ng mga sasakyan dahil sa hina­lang karnap ang mga ito.

Ipinag-utos na ni QCPD Director, Sr. Supt. Magtanggol Gatdula ang background check  kay Acedera matapos na ma­batid na kababalik lang nito sa serbisyo dahil sa kaso. May mga impormasyon na nasang­kot na rin si Acedera sa operasyon ng kidnapping at iba pang krimen.

Sinusuri rin ngayon ng pu­lisya ang kaugnayan ng grupo sa naganap na masaker sa Talayan, Village, Brgy. Talayan na ikinasawi ng lima katao ka­bilang na ang isang 3-anyos na batang babae matapos na sunugin pa ng mga magna­nakaw ang pinasok na bahay.

ACEDERA

HONDA JAZZ

ISANG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with