^

Metro

Sundalo nag-amok: 1 sugatan

-

Malubhang  nasugatan ang isang mister makaraang mag­wala at walang habas na nagpa­putok ng kanyang service fire­arm ang isang lasing na sun­dalo, kahapon ng medaling-araw sa Pasay City. Nakilala ang sugatang biktima na  si Rency Ozores, 22, construction worker at residente ng 60 Ka­layaan Village, Balagbag, Mer­ville, Pasay City . Nilapatan siya ng lunas sa Pasay City General Hospital bunga ng isang tama ng .45 kalibre ng baril. Naha­harap naman sa kasong at­tempted homicide at grave threat ang suspect na si 1st Lt. Ricky Bacornay, 33, ng 4th In­fantry Division, Philippine Army, nakatalaga sa Auxiliary Unit HHSG ng Fort Bonifacio, Taguig City.  Agad naman itong nadakip ng pulisya matapos ang gina­wang pamamaril. Nakuha naman sa pag-iingat ng suspect ang .45 Remington pistol nito at magazine na naglalaman ng limang bala. Batay sa report.  mula sa dinaluhang birthday party, naglalakad pauwi ng bahay ang biktima kasama ang mga kaibigan na sina Nick Zacarias, 24, mensahero, Jovito Caldes, 20, estudyante, kapwa ng #60 Kalayaan Village; at Garry Garcia, 18, estudyante ng 105 Kalayaan Village, Pasay City. Habang naglalakad ay ma­sayang nagkukwentuhan ang mga ito at hindi nama­malayan na napapalakas ang kanilang boses na ikinairita ng suspect na noon ay malapit lamang umano sa kanila.          

Dahil sa impluwensya ng alak, agad na nagbunot umano ng baril ang suspect at habang sinisigawan ang mga biktima na hinaan ang kanilang boses ay walang habas na pinaputukan nito ang magkakaibigan na iki­na­sugat ni Ozores, habang tinu­tukan naman nito ng baril sina Zacarias, Caldes at Garcia. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

AUXILIARY UNIT

CITY

CITY GENERAL HOSPITAL

KALAYAAN VILLAGE

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with