^

Metro

Agent itinumba ng bayaw

-

Isang 32-anyos na  call center agent na si Chuck de Leon ang binugbog, sinaksak at na­patay ng isa niyang bayaw  sa Pandacan, Manila kahapon ng madaling-araw.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang suspek na nakilala lang sa pangalang Austria at kapatid ng dating live-in partner ni de Leon na si Sheena.

Naglalakad si de Leon at kaibigan niyang si Benedict Moreno sa bahay ni Sheena sa Pan­dacan para dalawin ang kanyang anak doon nang makasalubong nila ang suspek.

Ginulpi at pinagsasaksak ng suspek ang biktima hanggang malagutan ito ng hininga.

Hinihinala ng pulisya na paghihiganti ang motibo ng suspek dahil sa naging masamang relasyon ng biktima sa kanyang kapatid.

Nabatid na ang biktima ay may asawa at anak na nakatira sa Amerika subalit nakipag­relasyon ito sa kapatid ng suspek at  nagkaanak sila ng batang lalaki. Madalas ding mag-away ang dating magka-live-in. (Grace Amargo dela Cruz)

vuukle comment

AMERIKA

BENEDICT MORENO

CRUZ

GINULPI

GRACE AMARGO

HINIHINALA

SHEENA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with