Binata todas sa lamayan
Matapos na makipaglamay ang isang 37-anyos na helper, ito naman ang pinaglalamayan ngayon matapos saksakin at mapatay ng isang estrangherong lasing kahapon ng madaling-araw sa Binondo, Maynila.
Hindi na umabot ng buhay sa ospital sanhi ng saksak sa katawan ang biktimang si Manuel Uy, binata, ng #656 Lara St., Del Pan, Binondo. Agad namang tumakas ang suspect na nakilala lamang sa alyas na Alex, 37, matapos ang isinagawang krimen.
Sa inisyal na ulat, dakong alas-12:45 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa harapan ng isang bahay
Nag-iinuman ang biktima, suspek at ilang kalalakihan habang nakikipaglamay nang magkapikunan sa kanilang kuwentuhan.
Kaagad umanong umalis ang suspek subalit makalipas ng ilang minuto ay bumalik ito dala ang isang patalim at bigla na lamang sinugod ang biktima at walang sabi-sabing pinagsasaksak ito.
Nagkaroon ng kaguluhan sa lamayan kayat sinamantala ito ng suspek at mabilis na tumakas. (Gemma Amargo-Garcia)
- Latest
- Trending