^

Metro

Kusinero pinatay sa bugbog

-

Nasawi ang isang 33-anyos na kusinero matapos itong lusubin at  bugbugin sa loob ng kanyang tirahan ng kanyang mga kapitbahay kamakalawa ng gabi sa Sampaloc, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Ospital ng Sampaloc sanhi ng mga bugbog sa katawan ang biktimang si Danilo Pagsi­nohin, ng #844 Int. 29 Domingo Santiago, Sampaloc ng na­sabing lungsod.

Patuloy namang pinaghahanap ng pulisya ang isang Beng Beng Estal at apat pang ka­samahan nito na pawang kapit­bahay ng biktima na mabilis na  tumakas matapos ang pambu­bugbog.

Lumalabas sa ulat ng pulisya na dakong alas-10:45 ng gabi nang magsimula ang insidente sa basketball court ng Brgy. 571 Zone 56 District 4,  habang nag-iinuman ang bik­tima, suspek at ilan pang mga kaibigan nang bigla na lamang magka­pikunan ang dalawa na pilit namang inaawat ng mga kainuman.

Subalit dahil mas marami umanong ka­kampi ang suspek ay pinagtulungang bugbugin ang biktima ng iba pa nilang kainuman. Tinangka pa umanong tumakas ng biktima at nagtago ito sa kanilang bahay subalit sinun­dan pa rin ito ng mga suspek at pinag­tulungang bugbugin na naging sanhi ng kamatayan nito. (Gemma Amargo-Garcia)

BENG BENG ESTAL

BRGY

DANILO PAGSI

DOMINGO SANTIAGO

GEMMA AMARGO-GARCIA

LUMALABAS

MAYNILA

NAMATAY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with