^

Metro

200 kilo ng bulok na karne ng manok, nasamsam

-

Humigit-kumulang sa 200 kilo ng nabu­­bulok na karne ng manok ang na­sam­­sam ng pinagsanib na puwersa ng Pasay City Hall Detachment at Veteri­narian Office na nakatakda na sanang ibenta sa pa­mili­han, kahapon ng umaga sa nasabing lungsod.

Ang pagkakasabat ay bunsod ng isang buwan na pagmamanman ng mga awto­ridad  kaugnay sa iniimbak na pinagputul-putol na bahagi ng karne ng manok sa Raymundo St., Pasay City.

Arestado naman ang dalawa sa mga negosyanteng umano’y nagpupuslit ng natu­rang mga karne na kinilalang sina Grace Pedernal, 25, at Evelyn Joaquin, 38, na kapwa sinampahan na ng mga kasong paglabag sa consumers act of the Philip­ pine at R.A. 9296 o Meat Inspection Code.

Ayon  sa operatiba, naging positibo ang kanilang operasyon makaraang maka­tang­gap sila ng impormasyon mula sa isang residente sa Raymundo St., ukol sa gina­gawang imbakan ng mga inaangkat na pinagputul-putol na karne ng manok mula pa sa Bulacan.

Nabunyag din umano ang modus-ope­randi ng mga suspect matapos na umali­ngasaw sa lugar ang masangsang na amoy ng nabubulok na karne ng manok dakong alas-4 ng madaling-araw na nag­bunsod upang salakayin ng operatiba ang naturang lugar. Naaktuhan naman ang dalawang na­arestong suspect habang isinasalansan ang mga karne para dalhin sa Pasay City Public Market. (Rose Tamayo-Tesoro)

EVELYN JOAQUIN

GRACE PEDERNAL

MEAT INSPECTION CODE

PASAY CITY HALL DETACHMENT

PASAY CITY PUBLIC MARKET

RAYMUNDO ST.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with