^

Metro

Mga opisyal sa OsMak posibleng makasuhan

-

Sasampahan umano ng mga kaukulang kaso ang lahat ng mga namamahala sa Ospital ng Makati (OsMak) sa oras na mapatunayan na nagpabaya nga ang mga ito sa kanilang tungkulin dahilan upang kumalat ang toxin o bacteria na sepsis na ikinamatay ng 66 sanggol at pagkahawa naman ng 182 na pa­wang ipinanganak sa na­banggit na ospital.

Kaugnay nito, sinibak na ka­hapon ng lokal na pamaha­laan ng Makati City ang medical director ng OsMak na si Julius Drilon at ilan pang mga kasa­ma­han nitong matataas na opisyal ng naturang pagamutan.

Ayon kay Makati City Mayor Jejomar Binay, hindi siya mag­da­dalawang-isip na sampahan ng legal charges ang mga sini­bak na opisyal, staff at per­sonnel ng OsMak kapag napa­tunayan ang pagkakaroon ng negligence sa mga ito. Dahil na rin sa na­sabing nakaka­alar­mang sitwas­yon ay isang task force ang binuo ni Binay na ma­mumuno sa isa­sa­gawang im­bes­ti­gasyon.

Mula kahapon ay puspusan naman ang imbesti­gasyon ng task force at fact-finding team na pinangu­ngu­nahan ni dating Health Sec. Jaime Galvez Tan, Makati City Health Officer Ma. Lourdes Salud, Anthony San Juan at Sally Espeleta ng Metro Manila Health Department.

Ayon pa kay Binay, target na alamin ngayon ng nasabing grupo ang hinggil sa pagkasawi ng naturang bilang ng mga sang­­­­gol, kung saan nagmula ang nasabing bacteria at kung ano ang mga nararapat na reko­mendasyon o preventive solu­tions para masawata ang na­sabing bacteria at nang hindi na makapaminsala pa.

Nabatid na inaasahang sa loob lamang ng sampung araw ay mailalabas na ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon ng nasabing task force. (Rose Tamayo-Tesoro)

AYON

BINAY

CITY

HEALTH SEC

JAIME GALVEZ TAN

MAKATI

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with