Biyudo tinarakan ng karibal, patay
Hinihinalang babae ang ugat ng maagang kamatayan ng isang 45-anyos na biyudo matapos na patraydor itong saksakin ng kanyang kapitbahay na karibal niya sa pag-ibig kamakalawa sa
Si Salvador Castaneda ng 2700 Magnolia
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:45 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng sari-sari store na pag-aari ni Castañeda na matatagpuan sa kahabaan ng
Nabatid na kasalukuyang nakaupo ang biktima at nagpapahangin nang biglang sumulpot ang suspek na armado ng patalim at walang babalang inundayan ng saksak si Castaneda sa kaliwang dibdib nito at kaliwang tenga na duguang humandusay.
Matapos nito ay mabilis na tumakas ang suspek sa di-nabatid na direksiyon habang ang biktima ay agarang isinugod sa nasabing ospital subalit sa daan pa lamang ay nalagutan na ito ng hininga.
Napag-alaman sa pulisya na bago ang insidente ay nagkaroon ng pagtatalo ang biktima at suspek hinggil umano sa isang babae na pareho nilang nililigawan na hinihinalang naging dahilan upang mauwi sa madugong komprontasyon sa pagitan ng dalawa.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang isinasagawang masusing imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente at inaalam pa rin ang tunay na dahilan sa pagpaslang dito. (Lordeth Bonilla)
- Latest
- Trending