Fare hike petition binawi ng transport groups
Binawi na ng jeepney groups ang kanilang amended petition para sa taas pasahe sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) epektibo kahapon.
Ang pagbawi ay ginawa ng United Transport Koalisyon (1UTAK) dalawang araw makaraang akusahan ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na marami ang pumeke sa lagda ng ilang transport leaders para sa paghingi ng P10 minimum na pasahe sa mga pampasaherong jeep sa Metro Manila at kalapit lalawigan.
Ayon kay LTFRB chairman Thompson Lantion, kanilang natuklasan na ilang lider ng transport groups ang peke ang lagda sa naisumiteng amended petition sa ahensiya para sa fare increase.
Bunsod nito , bilang kambyo ni 1 UTAK Chairman Vigor Mendoza, binabawi na nila ang amended fare hike petition para bigyan ng panahon ang LTFRB na maisentro nito ang pagpapatupad ng alternative options para sa mga driver at operators ng mga pampasaherong sasakyan na patuloy na apektado ang kabuhayan ng tumataas na presyo ng produktong petrolyo.
Ito ay tulad ng pagpapakilala ng ahensiya sa mga alternative fuels tulad ng LPG at ang tungkol sa pagkakaloob ng P2 fuel subsidy at pagbibigay ng provisional fare hike maging 1 billion rehabilitation at modernization sa transportasyon. Niliwanag naman ni
- Latest
- Trending