^

Metro

Bomba natagpuan

-

Lumikha  ng matinding takot sa mga kawani ng isang com­mercial establishment at kalapit na bangko ang natagpuang improvised bomb sa gilid ng isang guard house kahapon ng umaga sa Las Piñas City. Alas-11 ng tanghali nang matanggap ng pulisya ang impormasyon hinggil sa pagkakatuklas ng   vendor na si Alejandro Lara,  sa isang hinihinalang bomba na inilagay sa tabi ng guard house na malapit sa entrance gate ng Wilcon Depot na nasa Zapote  Road, Brgy. Almanza Uno sa na­tu­rang lungsod. Napag-alaman na ang security guard ng Allied Bank na katabi lamang ng natu­rang establisimento ang tuma­wag sa pulisya matapos matuk­lasan ang iniwang bomba. Ka­agad namang nakapagres­ponde sa naturang lugar ang mga tauhan ng Explosive Ord­nance Division at Special Weapons and Tactics ng Las Piñas police at kaagad na gina­mitan ng water charge ang bomba upang hindi na lumikha pa ng panganib. Sinabi ni Ra­quion na dadalhin nila sa Crime Laboratory ang naturang bomba upang masuri kung anong kemikal ang ginamit habang nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang pulisya upang alamin kung sino ang naglagay nito at kung ano ang motibo. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ALEJANDRO LARA

ALLIED BANK

ALMANZA UNO

CRIME LABORATORY

EXPLOSIVE ORD

LAS PI

LORDETH BONILLA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with