^

Metro

Mister, 3 anak ginulpi ng lasenggang misis

-

Nabaliktad na ang pangya­yari. Kung dati-dati ay ang lalaki ang laging inirereklamo ng kanilang misis nang pagma­maltrato, ngayon naman isang lasenggang ginang ang dinakip ng pulisya matapos nitong gulpihin  ang kanyang mister at tatlong anak kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Caloocan City Police ang suspek na si Anna­liza Molasco, nakatira sa Big Banana,  Santa Quiteria ng na­banggit na lungsod.

Samantala, kinilala naman ang mga biktima, na ang mister nitong si Nicanor Molasco, 42, isang janitor at ang tatlong anak nitong nasa edad na 14, 13, at 4-anyos.

Sa reklamo ni Nicanor sa tanggapan ng Caloocan City Police, hindi na umano nila kayang tiisin ang pananakit sa kanila ng kanyang misis tuwing uuwi itong lasing. 

Ang pinakahuli ay kamaka­lawa dakong alas-10 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa nabanggit na lugar nang umu­wing lango sa alak ang kan­yang misis at sila ang pinag­buntunan ng galit. Nagwala umano ito at sinimulan siyang gulpihin at maging ang tatlo nilang anak. Madalas aniya itong gi­nagawa ng ginang sa tuwing nasa impluwensiya ng alak at dahil sa hindi na maka­yanang kalbaryo ng mister at mga anak, kung kaya’t nagawa na nilang ipakulong ang ka­nilang sariling ina ng tahanan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BIG BANANA

CALOOCAN

CALOOCAN CITY POLICE

LORDETH BONILLA

MADALAS

MOLASCO

NICANOR MOLASCO

SANTA QUITERIA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with