Libreng sakay sa MRT
Makakasakay ng libre ang lahat ng commuters ng Metro Rail Transit (MRT) sa mismong pagdiriwang ng Independence Day o Araw ng Kalayaan sa June 12.
Sa panayam kay MRT public information officer Lysa Blancaflor, ang libreng sakay ay hindi naman buong araw bagkus ay may oras lamang subalit sa lahat ng MRT stations, ang free rides ay magsisimula mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 rin ng umaga.
Muli namang magbibigay ng libreng sakay sa alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.
Ipinaliwanag pa ni Blancaflor na nagdesisyon ang MRT authority na itakda sa June 12 ang free rides sa halip na June 9 kung saan itinakda ng Malacañang na isang regular holiday upang mas marami ang mabigyan ng libreng sakay.
Inaasahan naman ng MRT na dadagsa ang mga commuters na gustong mag-avail ng libreng sakay kung kaya’t dadagdagan din umano nila ang seguridad sa lahat ng train stations.
Ang MRT ay may mga biyahe mula sa North Ave sa Quezon City hanggang Taft Ave sa Maynila at mayroon itong 13 stations.
Samantala, bigo naman ang Light Rail Transit (LRT) na kumpirmahin kung magbibigay din ito ng libreng sakay sa kanilang mga commuters. (Rose Tamayo-Tesoro)
- Latest
- Trending