Comelec attorney inutas ni mister

Patay ang isang abo­gada ng Commission on Elections (Comelec) ma­ka­­­raang barilin ng kanyang mister matapos ang matin­ding pagtatalo sa Sta. Mesa, Manila kahapon ng madaling-araw. Matapos mapatay ang misis ay nag­baril din sa sarili ang mister­ nito.

Kapwa patay nang ma­tagpuan sa loob ng ka­nilang bahay ang biktimang si Sun­shine Mallen, 33, nakatalaga sa legal division ng Comelec at mister nitong si Benjie Mallen, 33, pharmacist ng BFAD at kapwa residente ng Ba­cood, Sta. Mesa, Manila sanhi ng mga tama ng bala sa ulo.

Sa report ni Det. Jay Santos ng Manila Police Dis­trict (MPD)-Homicide section, sa pagitan ng alas-4 hang­gang 4:30 ng ma­daling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng bahay ng mag-asawa.

Bago naganap ang insi­dente, natutulog umano si Sunshine kasama ang tat­long kasambahay na na­ki­lalang  sina Edelyn Dingle,  Herdylyn Morgado at Lex Mortel sa sala ng kanilang bahay, habang nasa itaas ng bahay naman ang mister nitong si Benjie.

Bigla umanong nagising si Dingle at nakarinig ng putok ng baril at nakitang nakatayo si Benjie sa ha­rapan ng asawa.

Sumunod umanong pang­yayari ay isa pang putok ang narinig at bu­magsak din sa kanyang harapan ang among lalaki.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, dalawang tama ng 9mm ang kumitil sa buhay ni Sun­shine habang isang tama naman ng nasabi ring baril ang pumatay kay Benjie.  Nakuha sa tabi ng lalaki ang isang 9mm na baril na ginamit sa pag­patay sa asawa at pagbaril sa sarili.

Sa teorya ng pulisya, bu­maba si Benjie mula sa itaas ng kanilang bahay at nilapitan ang asawa at  bago naman nagbaril ito sa sarili.

Pinaniniwalaan din ng pu­lisya na bago naganap ang insidente ay nag-aaway na ang mag-asawa gayunman, kapwa umano tahimik ang dalawa kaya hindi halata na kapwa may kinikimkim silang galit.

Show comments