Comelec attorney inutas ni mister
Patay ang isang abogada ng Commission on Elections (Comelec) makaraang barilin ng kanyang mister matapos ang matinding pagtatalo sa Sta.
Kapwa patay nang matagpuan sa loob ng kanilang bahay ang biktimang si Sunshine Mallen, 33, nakatalaga sa legal division ng Comelec at mister nitong si Benjie Mallen, 33, pharmacist ng BFAD at kapwa residente ng Bacood, Sta. Mesa, Manila sanhi ng mga tama ng bala sa ulo.
Sa report ni Det. Jay Santos ng Manila Police District (MPD)-Homicide section, sa pagitan ng alas-4 hanggang
Bago naganap ang insidente, natutulog umano si Sunshine kasama ang tatlong kasambahay na nakilalang sina Edelyn Dingle, Herdylyn Morgado at Lex Mortel sa sala ng kanilang bahay, habang nasa itaas ng bahay naman ang mister nitong si Benjie.
Bigla umanong nagising si Dingle at nakarinig ng putok ng baril at nakitang nakatayo si Benjie sa harapan ng asawa.
Sumunod umanong pangyayari ay isa pang putok ang narinig at bumagsak din sa kanyang harapan ang among lalaki.
Sa imbestigasyon ng pulisya, dalawang tama ng 9mm ang kumitil sa buhay ni Sunshine habang isang tama naman ng nasabi ring baril ang pumatay kay Benjie. Nakuha sa tabi ng lalaki ang isang 9mm na baril na ginamit sa pagpatay sa asawa at pagbaril sa sarili.
Sa teorya ng pulisya, bumaba si Benjie mula sa itaas ng kanilang bahay at nilapitan ang asawa at bago naman nagbaril ito sa sarili.
Pinaniniwalaan din ng pulisya na bago naganap ang insidente ay nag-aaway na ang mag-asawa gayunman, kapwa umano tahimik ang dalawa kaya hindi halata na kapwa may kinikimkim silang galit.
- Latest
- Trending