20% discount sa pasahe gawing moral obligation
Nanawagan si Manila 5th District Councilor Josie Siscar sa mga jeepney operators na gawing moral obligation ang pagpapatupad ng 20 porsyento diskuwento pasahe sa mga estudyante kasabay ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasoline.
Ayon kay Siscar, ang kanyang panawagan ay bunsod na rin ng mga impormasyon na kanyang natatanggap na plano ng mga jeepney operators na ibasura ang memorandum ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) alisin na ang 20 porsiyento diskuwento ng mga estudyante ngayong pasukan Hunyo 10. Sinabi ni Siscar na dapat na isipin din ng mga operators na sila rin ay magulang na nagnanais na makakuha ng diskuwento sa kanilang mga pinagkakagastusan.
Gayunman, sakaling hindi nila ipatupad ang 20 porsyentong diskuwento ay kailangan pa rin nilang maghain ng petisyon sa LTFRB na nagbabasura sa memorandum nito.
Bagama’t dagdag na pabigat sa kanila ang pagtaas ng presyo ng krudo, dapat ding bigyang pansin ang halaga ng sentimo sa mga estudyante. Bukod sa mga estudyante, may diskuwento din ang mga may kapansanan at senior citizens. (Doris Franche)
- Latest
- Trending