^

Metro

Janitress ginahasa

-

Inireklamo kahapon ng isang janitress ang lalaking ka­samahan sa trabaho ng ilang ulit na  panggagahasa at pag­babanta sa kanyang buhay na naging dahilan upang mahinto ang una sa kanyang trabaho sa Pasay City.

Ayon sa biktima na itina­tago sa pangalang “Marissa”, napilitan siyang tumigil sa kan­yang trabaho dahil sa ginawa sa kanya ng suspek na kinila­lang si Alexander Reyes, 40, ng 507-B Viscarra St., Ma­libay, nabanggit na lungsod.

Lumalabas naman sa isinagawang pagsisiyasat ni PO1 Andy Lou Vallo, imbesti­ga­dor ng Women and Children’s Protection Center na ang biktima ay kabilang sa mga may mababang IQ (intel­ligence quotient) na bukod sa madaling takutin ay mahina pang umintindi.

Napag-alaman din sa pag­sisiyasat ni Vallo na unang dinala sa loob ng Greenview Hotel sa Aurora Blvd., Pasay City ni Reyes ang biktima noong Pebrero 2007 matapos paniwalain na isa­sama siya, pati na ang ibang kasamahan sa trabaho sa isang kasiya­han. Bagama’t nagawa nang maisama umano sa loob  ng naturang hotel, hindi nagta­gum­pay ang suspek na ma­ilugso ang puri ng dalaga bunga ng panla­laban at pag­mamakaawa nito sa huli.

Gayunman, noong May 5 ay muling inabangan umano ng suspek ang biktima sa kanyang pag-uwi sa kanilang tirahan sa Manggahan, Pasig City at dahil umano sa pana­nakot ay muling naisama nito ang dalaga sa loob ng Green­view Hotel at tuluyang napag­samantalahan.

Naulit pang muli ang pana­nakot at panghahalay ng sus­pek sa biktima noong May 23 nang muli siyang abangan at pagbantaan na ipapalo sa kanyang mukha ang dalang paso na iuuwi sana sa ka­nilang tirahan kapag hindi sumama sa motel.

Sa takot na maulit na muli ang panghahalay, hindi na pumasok sa kanyang trabaho ang biktima hanggang sa usisain na siya kamakalawa ng tiyahin at ipagtapat ang gina­gawang pananakot at pang­ hahalay sa kanya ng suspect.

Ayon naman kay Sr. Insp. Mila Carrasco, hepe ng WCPC, na hihintayin muna  nila na magbaba ng warrant of arrest ang korte bago nila arestuhin si Reyes. (Rose Tamayo-Tesoro)

vuukle comment

ALEXANDER REYES

ANDY LOU VALLO

AURORA BLVD

AYON

B VISCARRA ST.

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with